^

Metro

Pulis-Makati itinumba sa Malate

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Makati itinumba sa Malate
Hindi na umabot ng buhay sa St. Claire Hospital ang biktimang si SPO3 Reynaldo Jimenez, nakatalaga sa Warrant & Subpoena Section ng Makati City Police at residente ng Guadalupe Viejo, Makati City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Patay ang isang 53-anyos na tauhan ng Southern Police District (SPD) nang tambangan ng riding-in-tandem habang minamaneho ang kaniyang Honda Civic  sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa St. Claire Hospital ang biktimang si SPO3 Reynaldo Jimenez, nakatalaga sa Warrant & Subpoena Section ng Makati City Police  at residente ng  Guadalupe Viejo, Makati City.

Nabatid na lulan ang mga suspect sa isang kulay pulang motorsiklong hindi naplakahan, at kapwa nakasuot ng helmet at face mask.

Sa inisyal na ulat ni PO3 John Bucad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:19 ng umaga kahapon nang tambangan si SPO3 Jimenez, 54,  sa panulukan ng Zobel Roxas at Arellano Sts., Malate, habang  sakay ng kulay itim na Honda Civic (TNM-143).

Nagtamo ng multiple gunshot wounds ang biktima na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Sa naging pahayag ni Jeric Jimenez, pamangkin ng biktima,   umalis ng kaniyang bahay ang tiyuhin alas -8:10 ng umaga bago mag-duty  sa Makati Police Station.

Ani Jeric, siya pa ang umasiste sa biktima nang ilabas sa garahe ang sasakyan at ilang minuto lang ang nakalipas ay humahangos na ibinalita ng isang barangay kagawad na binaril ang kaniyang tiyuhin.

May saksi na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nagsabi na may nag-aabang ng dalawang lalaki sa isang vulca-nizing shop sa lugar kung saan naganap ang pananambang.

Sinisiyasat ng pulisya ang kaugnayan ng krimen sa sinasabing pagkakasangkot ng nasawi sa ilegal na droga.

Dati umanong nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Pasay City Police ang biktima at makailang ulit na umanong ‘lumutang’ sa mga naaarestong may kaugnayan sa iligal na droga.

vuukle comment

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with