^

Metro

2 misis na nagpapa-5-6, suma-sideline na ‘tulak’, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang ginang na nagpapa-5-6 ang dinakip ng mga tauhan ng Malabon City Police dahil sa isi­nasabay ng mga ito sa ka­nilang negosyo ang pagtutulak ng ilegal na droga, sa ikinasang operasyon kahapon  ng madaling araw sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga na-dakip na sina Ruby Mateo, alyas Taba, 39-anyos at si Racquel Serano, alyas  Keng, 49, at kapwa residente ng 5th Street, Brgy. 11, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ang dalawang ginang sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team sa may Prelaya Street, Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

Natukoy ng mga pulis ang pagtutulak ng iligal na droga ng dalawang suspek na isinasabay nila sa kanilang pagpapautang ng five-six sa pamamagitan ng kanilang asset. Nagawang makontak at makipagtran- saksyon ng isang poseur bu- yer sa mga suspek at itinakda   ang entrapment operation.

 Hindi na nakapalag ang dalawang ginang nang dakmain sila ng mga pulis makaraang iabot ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa buyer.  Tinatayang aabot sa 16 na plastic sachet ang nakum-piska sa dalawa nang kap­kapan sila habang narekober ang P500 marked money na gamit sa buy bust.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with