^

Metro

30 Chinese dinakip ng BI sa Parañaque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
30 Chinese dinakip ng BI sa Parañaque
Sinalakay ng mga ahen­te ng BI ang 16 esta­bli­simyento makaraang makatanggap ng tip na may mga tauhan silang Tsino na nagtatrabaho ng walang kaukulang working permits sa kahabaan ng Pres. Diosdado Macapagal Boulevard sa naturang lungsod.

Mga walang working permit

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 30 Chinese nationals umano’y mga walang wor-king permit ngunit nakapagtatrabaho sa bansa sa ope­rasyon na isinagawa sa 16 na establisimyento sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Sinalakay ng mga ahen­te ng BI ang 16 esta­bli­simyento makaraang makatanggap ng tip na may mga tauhan silang Tsino na nagtatrabaho ng walang kaukulang working permits sa kahabaan ng Pres. Diosdado Macapagal Boulevard sa naturang lungsod.

Nagtatrabaho ang mga inaresto bilang mga cooks at vendors na pawang mga wala ring visa.

Ayon sa BI, karamihan sa mga inaresto ay mga “undocumented” o “overstaying aliens” at may hawak lamang na mga tourist visas.

Nakaditine ang mga ina­restong Tsino sa BI detention center, at nahaharap sa kasong paglabag sa Immigration Law habang prinoproseso ang deportasyon laban sa kanila.

vuukle comment

ARRESTED

CHINESE NATIONALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with