^

Metro

5-anyos lasog sa van

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalasog ang isang 5-anyos na batang babae   makaraang mabundol at magulungan pa ang ulo ng isang van, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Athea Joy Saniel, ng Block 4 Lot 13 Ta-nigue Street, Samatad Compound, ng naturang lungsod.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang suspek na si Cesar Garana, 58, at nakatira rin sa naturang lugar.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa may Tanigue St.  sa Samatad Compound.  Minamaneho ni Garana ang isang Isuzu aluminum van na pag-aari ng kanyang pinapasukang kompanya at ipaparada na ito nang maganap ang aksidente.

Ikinatwiran ni Garana na hindi niya napansin ang paslit na naglalaro sa kalsada kahit gabi na nang mabundol ng kanyang behikulo.  Nagpatuloy sa pag-andar ang van hanggang sa tuluyang magulugan ang ulo ng bata.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with