^

Metro

9 na ‘gimikero’, huli sa indiscriminate firing

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na sinasabing mga gimikerong kabataan ang bi­nit­bit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kasunod ng ulat na nagpa­putok umano ng baril sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Inihahanda na ang reklamong alarm and scandal na ihahain laban sa mga dinakip na sina Anjo Padilla, 27; Jeffrey Mendoza, 32; Luilius Dolante, 30; Maryjay Dominguez, 29; Beucan Morillo, 23; Wendel de  Guzman, 24; Marc Senez, 21 at dalawang menor-de-edad nasa edad 16.

Sa ulat ng MPD-Station  9, naganap ang insidente dakong alas-5:40 kahapon ng umaga sa may panulukan ng M.H del Pilar at Alde-coa Sts., Malate, Maynila.

Nakatanggap umano ang nasabing istasyon ng tawag mula sa concerned citizen hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril at sinabing ang mga suspek na sakay ng kotse na kulay itim at orange ang sangkot.

Rumesponde ang mga pulis kabilang ang Special Weapons and Tactics (SWAT) na humabol at hu­marang sa mga suspek.

Narekober din  ang baril na ginamit ng mga ito.

Sinasabing pawang mga nakainom ng alak ang grupo ng mga suspek na posibleng nanggaling sa gimikan o inuman. “Maya-yabang ang mga kabataan na iyan, nagpaputok ng siyam na beses sa ere...,” ani MPD Director, C/Supt. Vicente D. Danao Jr.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Article 254 ng Revised Penal Code o Illegal Discharge of Firearms at paglabag sa Omnibus Election Code o RA 10591.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with