^

Metro

3K Kristiyano, Muslim nakiisa sa solidarity walk sa QC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3K Kristiyano, Muslim nakiisa sa solidarity walk sa QC
Pinangunahan ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang solidarity walk ng libu-libong mga Kristiyano at Muslim sa Quezon City kahapon na nagkaisa para isulong ang kapayapaan at labanan ang karahasan.
Michael Varcas

Bilang pagkondena sa Mindanao bombings

MANILA, Philippines —  Tinatayang nasa higit 3,000 Kristiyano at Muslim ang nakiisa sa isinagawang solidarity walk sa Quezon City bilang pagkondena sa mga naganap na pambobomba sa Mindanao nitong nakaraang linggo.

Nagsimula ang solidarity walk sa East Avenue, Quezon City, kung saan ay 2,000 Kristiyano ang nandoon habang nasa Philcoa naman ang may 1,000 Muslims.

Matapos magmartsa ay nagtagpo ang dalawang grupo sa Quezon Memorial Circle at nagkamayan at nagyakapan.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar, PNP vicar general Monsignor Lucio Rosarosa Jr., at Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace President Datu Basher Bont Alonto.

Pansamantala namang isinara ang ilang bahagi ng Elliptical Rd. habang isinasagawa ang pagmamartsa.

Matapos naman ang solidarity walk ay lumagda sa isang peace covenant  ang mga opisyal ng PNP at lider ng Christians and Muslim groups.

vuukle comment

MINDANAO BOMBINGS

SOLIDARITY WALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with