^

Metro

Caloocan fire: Magkapatid na paslit, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Caloocan fire: Magkapatid na paslit, patay
Umakyat sa 1st alarm ang alarma ng sunog at naapula dakong ala-1:17 na ng madaling araw.

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na paslit  habang kritikal  ang isa pa nang pawang makulong sa nasunog nilang bahay na naikandado umano ng kanilang mga magulang, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nalagutan ng buhay sa Manila Central University Hospital ang magkapatid na sina Cedric James Baleros, 8 at Cloe, 6 habang nananatiling kritikal ang bunso nilang kapatid na si Alexandra, 4, na inilipat sa East Avenue Medical Center.

 Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, alas-12:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ni Richard Baleros, tatay ng mga biktima sa may M. De Castro Street, Brgy. 144 Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Umakyat sa 1st alarm ang alarma ng sunog   at naapula dakong ala-1:17 na ng madaling araw.

Naipit sa loob ng bahay ang magkakapatid na paslit na natutulog ng mga oras na iyon nang sumiklab ang apoy.  Natagpuan sila na magkakasama sa isang kuwarto at nagtamo ng matinding pinsala.

Sa imbestigasyon, lumalabas na iniwan ng kanilang ama ang tatlong bata para bumili umano ng pagkain.  Ngunit ikinandado umano nito ang pinto sa labas saka umalis.

Dahil dito, hindi nagawang makalabas ng bahay ng mga bata nang sumiklab ang apoy.  Mabilis namang nabuksan ng mga kapitbahay ang pinto at nailigtas ang mga paslit bago tuluyang lamunin ng apoy ang bahay.

Nabatid rin na nagmula sa naiwang nakasinding kandila na tumumba ang kumalat na apoy.  Mabilis na nagdingas ang bahay dahil sa yari sa light materials.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with