^

Metro

Jaywalking criminal offense na: Mahuhuli ilalagay sa alarm list ng NBI

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Jaywalking criminal offense na: Mahuhuli ilalagay sa alarm list ng NBI
Ikokonsi­dera na ang jaywalking na isang criminal offense na may mabigat na parusa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ilalagay na ng Metropo­litan Development Authority (MMDA) sa alarm list ng National Bureau of Inves­tigation (NBI) ang mga jaywalkers na hindi nagbabayad ng kaukulang multa.

Kasabay nito, ikokonsi­dera na ang jaywalking na isang criminal offense na may mabigat na parusa.

Ito ay matapos magka­sundo ang mga alkalde ng Metro Manila para i-deputize ang MMDA sa pagpapatupad ng mga anti-jaywalking ordinances ng 17 local government units ng Metro Manila.

“Kami ay natutuwa na lahat ng LGU sa Metro Manila ay may ordinansa kontra jaywalking. Hiniling namin sa mga LGUs na i-deputize ang mga tauhan namin para mas palakasin ang mga local ordinances,” pahayag ni MMDA general mana­ger Jojo Garcia matapos ang Metro Manila Council (MMC) meeting kahapon sa tanggapan ng MMDA.

Bilang mas mabigat na parusa, ang pangalan ng mga violators na bigong  ma­­kapagbayad ng multa o ma­kapag-community ser-vice ay ipo-forward sa NBI para maisama sa kanilang alarm list.

“Kung isasawalang bahala lang ng mahuhuling jaywalker ang kanilang citation ticket, maaari namin itong sampahan ng kaso sa paglabag sa lokal na ordinansa at isusumite namin ang kanyang pangalan sa NBI,” saad ni Garcia.

Pipirmahan muna ng mga Metro Manila mayors, na bumubuo sa MMC, ang governing at policy-making body ng MMDA, ang resolusyon bago ito maipatupad.

Sa kasalukuyan, ang MMDA ay may sariling anti-jaywalking policy kung saan iniisyuhan ng citation tickets    na may multang P500 ang mga lalabag. Maaaring mag­­bayad ng multa o mag-com­munity service ang si­nu-mang mahuhuli.

Samantala, ang mga lokal na pamahalaan naman ay may kanya-kanya ring anti-jaywalking ordinances na kanilang ipinapatupad sa kani-kanilang mga lugar.

vuukle comment

JAYWALKING

METROPO­LITAN DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with