^

Metro

Kotongerong manghuhula, inireklamo, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kotongerong manghuhula, inireklamo, kalaboso
Nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion ang suspek na nakilalang si Jesus Cabrito, 55, ng King Solomon St., Del Rey Ville, Camarin, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Hindi nahulaan ng isang nagpakilalang mang­huhula ang kanyang magiging kapalaran makara­ang bumag­sak ito sa kulungan nang mahulog sa entrapment ope­ration dahil sa pangongo-tong sa kanyang dalawang kliyente, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion ang suspek na nakilalang si Jesus Cabrito, 55, ng  King Solomon St., Del Rey Ville, Camarin, ng naturang lungsod.

Inireklamo siya ng magkaibigang sina Daisy Nillo, 28, at Jesusa Nieva, 22.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ng mga biktima na una silang nagpahula sa suspek na inirekomenda sa kanila ng isa nilang kaibigan. Nabatid na puro negatibo naman ang sinabi ng mang­huhula sa kanilang kapala­ran habang may sumumpa umano sa kanila dahilan para matakot sila.

Upang maiwasan umano ang pangit na kapalaran at matanggal ang sumpa, nag-alok ng orasyon ang suspek at hiningian sila ng pera na pambili ng mga kagamitan na gagamitin sa orasyon.

Dahil sa namahalan sa presyo, nagbanta umano ang suspek na isa sa ka­­ni­lang kapamilya ang mamamatay dahil sa sumpa kung hindi magpapadala ng pera. 

 Nagawa namang magpadala ng P19,500 si Nieva mula nitong Enero 16 ngunit nanghingi ng dagdag na P2,000 ang suspek.  Dito na nagdesisyon ang dalawang biktima na magsumbong sa Police Community Precinct 5 ng Caloocan City Police na nagkasa ng entrapment operation.

Alas-3:20 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang suspek sa may Almar Road sa Brgy. 175 Camarin matapos na tanggapin ang marked money buhat sa kanyang dalawang biktima.

vuukle comment

MEN ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with