^

Metro

Ilang kalsada sa Caloocan isasara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalsada sa Caloocan isasara
Nabatid na magdiriwang ng kanilang ika-57 Cityhood Anniversary at isinabay na rin ang selebrasyon ng Chinese New Year mula Pebrero 3 (Linggo).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa mga motorista sa pagpapasara ng ilang pangunahing lansa-ngan upang bigyang daan ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng pagka­katatag ng lungsod.

Nabatid na magdiriwang ng kanilang ika-57 Cityhood Anniversary at isinabay na rin ang selebrasyon ng Chinese New Year mula Pebrero 3 (Linggo).

Sa abiso ng City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), ipasasara mula alas-8 ng gabi ng Pebrero 3 hanggang madaling araw ng Pebrero 4 ang 9th Street mula 7th Avenue hanggang 10th Avenue at ang 8th Avenue mula 6th street hanggang 10th street.

Magkakaroon ng concert at grand fireworks display sa tapat ng bagong Caloocan City Hall bilang bahagi ng selebrasyon.

Nagtakda naman ang DPSTM ng mga alternatibong ruta habang ipapakalat ang kanilang mga traffic enforcers para umalalay sa mga motorista. Inabisuhan ng DPSTM ang mga motorista na iwasan muna ang nabanggit na mga kalsada.

Noong 1961, inapruba­han ng Kongreso ang Republic Act No. 3278 na nagtatakda ng pagiging lungsod ng Caloocan.  Ma­tapos ang plebisito, naging opisyal na lungsod ang Caloocan noong Pebrero 16, 1962.

vuukle comment

CALOOCAN ROAD CLOSED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with