^

Metro

Seguridad sa Quiapo church hihigpitan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa Quiapo church hihigpitan
Ito’y kasunod ng naga­nap na pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church na ipatutupad nila ang mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga deboto at mga  nagsisimba.

Ito’y kasunod ng naga­nap na pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero.

Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong – Parochial Vicar ng Quiapo Church, mayroon nang karagdagang K-9 units ang naglilibot sa paligid ng Simbahan  habang nagdagdag na rin ng mga security personnel.

Umaapela naman ang Pari sa bawat mananampalataya at mga deboto na maging mapagmatyag sa kalagayang pang-seguridad sa paligid ng Simbahan.

Hinimok ni Father Badong ang lahat na tumulong at makibahagi sa pagtiyak ng kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamama- gitan ng pagiging mapagmasid at agad na pagsusumbong sa mga awtoridad ng anumang kahina-hinala sa labas at loob ng Simbahan.

Ang pahayag ng Pari ay kaugnay sa paglalagay sa ‘heightened alert’ sa buong bansa kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong Linggo ika-27 ng Enero kung saan umabot sa mahigit 20 ang namatay habang mahigit 100 naman ang sugatan.

Kaugnay nito,  sa Archdiocese of Davao ay una ng ipinag-utos ni Davao Archbishop Romulo Valles at Davao Mayor Sarah Duterte ang pagbabawal sa pagdadala ng mga bag tulad ng backpack at knapsacks sa loob ng mga Simbahan bilang bahagi ng ‘security measure’ ng Simbahan.

vuukle comment

QUIAPO CHURCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with