^

Metro

7 babae, 18 lalaki na drug pusher nalambat sa Kyusi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
7 babae, 18 lalaki na drug pusher nalambat sa Kyusi

MANILA, Philippines — Kabuuang 25 katao na kinabibilangan ng pitong babae at 18 lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-drug at anti crime operation ng mga awtoridad sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek  ay nakilalang sina Roxan Quilatan, 25; Anne Mae Cabite, 46; Daryl Sexciona, 19; Jocelyn Moreno, 23; Kay Bautista, 36; Isabel Agucay, 34; Roshelle Tolentino, 27; Ernest Espartero, 19; Joshua Tarrangco, 18; Jaylord Constantino, 22; Dennis Barda, 30; Leo Prada, 26; Jerry Novi, 50;  Justin Novi 20; Ruel Ruelan, 36; Alex Nantes, 35; Francis Zapanta, 40; Ronny Boy Galvez, 25; Cesar Roxas, 54; Llyod Herbert Agucay, 28; Norberto Onoya, 58; Jerome Torio, 28; Dennis Sarmiento, 38; Michael Arelleno, 40 at Boyet Sarabosing, 23.   

Ayon kay P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. director ng QCPD, ang mga suspek ay naaresto ng kanyang mga tauhan sa QCPD station 1,3,5,6,7 at 10 dakong ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw sa magkakasunod na buy bust operation.

Sinabi ni Gen Esquivel na mismong mga residente ng Quezon City ang nagbibigay na ng impormasyon sa mga awtoridad dahil sa ayaw pa ring tumigil sa pagbebenta ng bawal na gamot ng mga suspek. Nakuha ng pulisya sa mga suspek ang nasa 25 plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng kalahating milyon at ibat-ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002),  at  RA 10591  (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.)

Ani  Esquivel, sa kabila ng araw-araw na drug operation ng kanyang mga tauhan ay malakas parin ang loob ng mga drug pusher, para ipagpatuloy ang kanilang drug trade.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with