^

Metro

AWOL na sundalo at guro, timbog sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang  AWOL na sundalo at sinasabing parukyano nitong guro ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang suspek ay nakilalang sina Pfc. Danilo Calayan, alyas Jay-Ar, 36, dating kasapi ng Philippine Army na residente JP Rizal St., Brgy, Bagong Silangan, Quezon City at Mikel Suyman, 42, binata, public school teacher na nakatira sa Blk. Eastwood Residence, Brgy. San Isidro, Rodriguez Rizal.

Nabatid mula kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng QCPD Station 6, na dakong alas-9:20 ng gabi nang isagawa ang pag-aresto sa dalawa sa loob ng tahanan ni Calayan. Ayon sa report, si Calayan ay sinasabing nasa drug watch list ng pulisya dahil sa pagiging tulak nito ng droga.

Isang pulis ang mata­gumpay na nakabili ng halagang 2,000 shabu kay Calayan nang isagawa ang pagsalakay.

Sinasabing, nagkataon na bumibili rin ng droga ang guro kaya siya man ay inaresto.

Nakuha mula sa sundalo ang limang plastic sachet na naglalaman ng high grade na droga na nagkakahalaga ng P100,000.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with