^

Metro

Shootout: 2 holdaper, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Shootout: 2 holdaper, utas
Wala pang pagkaka-kilanlan ang mga suspek na nakuhanan ng dalawang kalibre .38 baril, isang motorsiklo at isang nakaw na bag na pag-aari ng kanilang hinoldap na babae na kinilalang si Maribel Fernandez, isang call center agent.

MANILA, Philippines — Todas ang dalawang holdaper matapos maki-pagpalitan ng putok sa mga pulis na humabol sa kanila sa Payatas Road, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Wala pang pagkaka-kilanlan ang mga suspek na nakuhanan ng dalawang kalibre .38 baril, isang motorsiklo at isang nakaw na bag na pag-aari ng kanilang hinoldap na babae na kinilalang si Maribel Fernandez, isang call center agent.

Ayon kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, dakong alas-2:15 ng madaling araw ay nakapuwesto ang kanyang mga tauhan sa Molave Street para sa checkpoint kaugnay ng election period nang mapadaan ang dalawang suspek.

Imbes na huminto, humarurot ang mga suspek kaya’t hinabol ng mga pulis, pero agad silang pinaputukan kaya nagkaroon ng  ‘running gun battle.’

Nakorner  ang dalawa  sa may Lupang Pangako sa Payatas, pero sa halip na sumuko ay nakipagba­rilan pa sa mga pulis na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.

Narekober din mula sa dalawang holdaper  ang 14 na sachet ng ipinagba­bawal na gamot.

Positibo ring kinilala ni Fernandez na ang dalawang napatay ay siyang nang-agaw sa kanyang bag, na nabawi ng pulisya at ang kanyang mga gamit.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with