^

Metro

Drug den sinalakay: Granada at droga nasamsam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Drug den sinalakay: Granada at droga nasamsam
Nang makumpirma na ‘valid’ ang reklamo ay agad na nagsagawa ng pagsa­lakay ang pulisya na nagresulta ng pagkakadakip sa dalawang suspek kung saan nakuha sa mga ito ang isang granada, droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

MANILA, Philippines — Isang umano’y drug den ang sinalakay ng mga awtoridad na nagresulta ng pagkakadakip sa dalawang namamahala roon kung saan nakarekober din ng granada at droga sa Brgy. Baesa, Quezon City, kahapon ng mada-ling araw.

Kinilala ang mga naa­resto na sina Vicente Base, alyas Enteng, 50, at Marcelo Deocareza, 46, painter, kapwa residente ng Virginia Drive, Rodriguez Subd. Brgy. Baesa, Quezon City.

Nabatid mula kay P/Supt. Alex Alberto, hepe ng QCPD station 3, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang isagawa ng kanyang mga tauhan ang pagsalakay sa umano’y pinatatakbong ‘drug den’ ng dalawang suspek.

Ayon sa report, matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang umano’y illegal na aktibidad ng dalawa makaraang may magreklamong residente sa nasabing barangay na ginagawang ‘drug den’ ang tahanan ni Enteng.

Nang makumpirma na ‘valid’ ang reklamo ay agad na nagsagawa ng pagsa­lakay  ang pulisya na nagresulta ng pagkakadakip sa dalawang suspek kung saan nakuha sa mga ito ang isang granada, droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Sa rekord ng QCPD,  nabatid na rati na ring naares- to at nakulong sa kasong droga si Enteng na nasa ‘drugs watch list’ sa kanilang lugar.

vuukle comment

ARRESTED

DRUG DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with