Biyahe ng MRT-3, muling nagkaaberya
MANILA, Philippines — Muling nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa area ng Quezon City, kahapon ng umaga.
Electrical failure ang itinuturong dahilan ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) kung bakit napilitan silang pababain ng tren ang nasa higit 75 pasahero.
Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na dakong alas-6:27 ng umaga nang du-manas ng aberya ang tren na patungong southbound sa Kamuning Station.
Sinabi ng DOTr na ang electrical failure ay dulot ng mga “worn out electrical sub-components” ng tren, gaya ng insulator, regulator, at main chopper.
“A Southbound (SB) train unloaded at Kamu-ning station due to ELECTRICAL FAILURE IN OUR MOTOR at 6:27AM today (Sunday),” tweet ng DOTr.
“The whole train was unloaded, with approximately 75 passengers,” dagdag pa nito. Naisakay naman kaagad sa kasunod na tren ang mga pasahero matapos ang dalawang minuto at naihatid sa kani-kanilang destinasyon.
Mabilis din namang hu-mingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga pasahero dahil sa nangyaring aberya.
- Latest