^

Metro

Parak itinumba sa loob ng resto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Parak itinumba sa loob ng resto
Ang biktima ay kinila-lang si SPO2 Venancio Ra­mos Hidalgo Jr., 39, naka­talaga sa PNP Police Security and protection Group, ng PSBA Aurora Blvd., Brgy. Escopa III, Cubao, QC.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Todas ang isang pulis matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay kumakain sa isang restaurant sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila-lang si SPO2 Venancio Ra­mos Hidalgo Jr., 39, naka­talaga sa PNP Police Security and protection Group, ng PSBA Aurora Blvd., Brgy. Escopa III, Cubao, QC.

Dead on the spot ang pulis dahil sa dami ng tinamong tama ng bala ng .cal 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Julius Raz ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-9:25 ng gabi sa harap ng isang restaurant  na matatagpuan sa J. P. Rizal Avenue, Brgy. Marilag, Quezon City.

Batay sa pahayag ng mga nakasaksi sa krimen, kumakain ang pulis nang sumulpot sa kanyang likuran ang isang lalaki na sakay ng motorsiklo na walang plaka at bigla na lamang itong sunud-sunod na pinagbabaril.

Nang duguang bumagsak ang pulis at masigurong wala nang buhay ay agad na tumakas ang suspek patungong Aurora Blvd.

Nakuha ng SOCO team sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre 45, sling bag ng biktima na may ilang identification cards, (1) Pietro Berretta cal. 9mm  at extra magazine na naglalaman ng 14 live ammunitions.

Hinihinala ng mga awto­ridad na posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang nangyaring pamamaslang dito.

vuukle comment

COP SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with