^

Metro

Mas mataas na multa sa illegal parking, simula ngayon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mas mataas na multa sa illegal parking, simula ngayon
Sa datos buhat sa MMDA, mula sa mababang P200 multa sa mga naka-illegal parking ngunit may tsuper na sakay, iaakyat ito sa P1,000, habang ang mga illegal parking na walang sakay ay sisingilin na ng multang P2,000 buhat sa dating P500.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipapatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas mataas na multa sa “illegal parking” ngayong araw upang makatulong sa pagpapaluwag sa mga kalsada sa Kamaynilaan.

Sa datos buhat sa MMDA, mula sa mababang P200 multa sa mga naka-illegal parking ngunit may tsuper na sakay, iaakyat ito sa P1,000, habang ang mga illegal parking na walang sakay ay sisingilin na ng multang P2,000 buhat sa dating P500.

Itinaas din ng ahensya ang multa sa traffic obstruction mula P150 sa P1,000.

Nabatid pa na lahat ng behikulo na ipaparada sa labas ng bahay ng may-ari ay maaaring hulihin maliban doon sa mga nasa loob ng mga pribadong subdibisyon.

Sinabi ni MMDA gene-ral manager Jojo Garcia na maraming lokal na pamahalaan ay nagpapatupad na ng ordinansa para sa “one-sided parking”.

Ngunit hindi umano ito dahilan para maging lisensya ng mga opisyal ng barangay na lumikha ng sarili nilang “paid parking areas”.    

vuukle comment

ILLEGAL PARKING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with