^

Metro

404 firecracker zone itinalaga sa Metro Manila

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
404 firecracker zone  itinalaga sa Metro Manila
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na inatasan niya si NCRPO Chief P/Director Guillermo Elezar na alertuhin na ang limang Police Districts sa Metro Manila at mga hepe ng iba’t ibang himpilan upang paigtingin pa ang kampanya laban sa bawal na paputok.

MANILA, Philippines — Nagtalaga kahapon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 404 firecracker zone sa Metro Manila upang maiwasan ang disgrasya  kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na inatasan niya si NCRPO Chief P/Director Guillermo Elezar na alertuhin na ang limang Police Districts sa Metro Manila at mga hepe ng iba’t ibang himpilan upang paigtingin pa ang kampanya laban sa bawal na paputok.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Guillermo Eleazar, nasa 404 firecracker zones at 55 community fireworks display ang kanilang itinalaga para maging maayos ang nasabing okasyon.

Ang hakbang ayon sa mga opisyal ay naglalayong mabawasan ang mga biktima sa mga paputok at fireworks.

Alinsunod sa Executive Order No. 28, iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na sa mga itinalagang firecracker zones lamang maaring  magsindi ng mga fireworks at firecrackers sa kani-kanilang mga lugar.

Ang nasabing mga firecracker zone ay tutukuyin ng pulisya sa pakikipagkoordinasyon sa mga opisyal ng barangay at mga Local Government Units (LGUs).

vuukle comment

FIRECRACKER

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with