^

Metro

Gang ng mga preso sa Bilibid, binuwag

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Gang ng mga preso sa Bilibid, binuwag
Ayon ito sa pahayag kahapon ni Bureau of Correc­tions (BuCor) Director Gene­ral Nicanor Faeldon, bunsod nang paglagda sa isang manifesto ng mga lider ng iba’t ibang gang o pangkat mula sa humigit kumulang sa 15 grupo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nabuwag na ang mga gang o pangkat-pangkat  ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon ito sa pahayag kahapon ni Bureau of Correc­tions (BuCor) Director Gene­ral Nicanor Faeldon, bunsod nang paglagda sa isang manifesto ng mga lider ng iba’t ibang gang o pangkat mula sa humigit kumulang sa  15 grupo.

Kabilang sa mga nanumpa sa harap ni Faeldon ay ang mga lider ng mga matatagal na gang ng mga preso ng NBP tulad ng Batang Minda­nao, Batang City Jail, Sigue-Sigue Sputnik, Sigue-Sigue Commando, Genuine Ilokano, Oxo, Batang Mananalo, Batang Cebu, Bahala na Gang, Hapi Go Lucky, Querna, Bicol Region Masbate, Batang Samar, Chinese group at iba pa.

Layon aniya  ng naturang kasunduan na mabawasan na ang pagmamando ng mga gang na nagiging sanhi ng kaguluhan at nagiging ugat pa ng sindikato.

Nakiusap naman si Faeldon sa mga lider ng gang na hikayatin ng huwag gumawa ng krimen ang kanilang mga miyembro.

Kahapon ay isa-isang kina­­usap ni Faeldon at pinagpaliwanagan ang mga lider ng gang bago niya nahikayat na magkaisa at buwagin na ang mga pangkat nila.

Aniya susubaybayan at gagabayan ang nasa  24,000 na bilanggo na nakakulong sa NBP.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISONS

NICANOR FAELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with