^

Metro

Lola lasog sa SUV

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lola lasog sa SUV
Inisyal na nakilala ang biktima na si Natividad Rapal, at nakatira sa Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod. Kusang-loob namang sumuko ang suspek na si Carlo Lim, driver ng Nissan SUV na nakasagasa sa biktima.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 70-anyos na lola makaraang masagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) nang bumaba sa isang pampasaherong jeep, nitong araw ng Pasko sa Caloocan City.

Inisyal na nakilala ang biktima na si Natividad Rapal, at nakatira sa Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.  Kusang-loob namang sumuko ang suspek na si Carlo Lim, driver ng Nissan SUV na nakasagasa sa biktima.

Sa paunang ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa harap ng Sto. Niño Church sa Phase 1, Barangay Bagong Silang. Nabatid na kabababa pa lamang ng pampa-saherong jeep ng biktima nang masagasaan siya ng kasunod na SUV na minamaneho ni Lim.

Ayon sa mga saksi, yumuko at pinulot umano ng matanda ang kanyang paninda nang umandar ang SUV.  Ayon sa suspek, hindi niya nakita ang biktima na akala niya ay nasa bangketa na kaya niya inarangkada ang kanyang sasakyan. Mismong si Lim pa ang nagsugod sa biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay ang lola dahil sa tinamong matinding pinsala.

Habang nasa kulungan, humingi ng tawad si Lim sa pamilya ng biktima at iginiit na hindi niya sinasadya ang pangyayari.  Nangako rin siya ng tulong sa pagpapalibing sa biktima at sa pamilya niya.

vuukle comment

CRIME

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with