^

Metro

Lalaking nagpasabog ng ‘bomba’ sa harap ng GMA-7, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos magpasabog ng molotov bomb sa harapan ng annex building ng GMA-7 sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Ang suspek ay kinilalang si Lawrance Ebio, na nakatira sa Caloocan City.

Ayon kay Sayas Dalire, security guard ng GMA-7, dakong alas-11:30 ng tanghali nang dumaan sa harapan ng GMA-7 ang suspek na may bitbit na apat na bote na improvised molotov bomb.

Huminto ang suspek  saka sinindihan ang isang bote na puno ng gasolina at inihagis sa bahagi ng GMA-Network drive at sumabog.

Agad na nagresponde si Dalire at isa pang security officer na si MJ Chan at mabilis ding tumawag ng pulis at ina­resto ang suspek.  

Nakakulong ngayon sa Quezon City Police District (QCPD) station 10 ang suspek.

Ayon sa mga awto­ridad, tila may-sayad o baliw ang suspek dahil panay ang sigaw nito ng  “Demokrasya!” at “’Di ninyo ako pinapansin!”.

Gayunman ang ipinagtataka ng pulisya, ay kung saan nakuha ng suspek ang mga dala nitong molotov bomb na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon.

­

 

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with