Bully kid, ban na rin sa Taekwondo
MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na ban na rin sa lahat ng Taekwondo related events ang batang nag-viral dahil sa pambu-bully sa mga kapwa estudyante sa Ateneo de Manila Universtiy Junior High School.
Ayon kay PTA President Robert Aventajado, effective immediately ang kanilang kautusan na ‘indefinite ban’ sa estudyante na nag-viral sa social media na binubugbog at sinisipa ang kanyang kapwa estudyante sa loob ng CR sa Ateneo.
Sinabi ni Aventajado, sa ngayon ay hindi na maaa-ring sumali sa tournament, belt promotion at hindi na makakagamit ng pasilidad ng PTA ang nasabing estudyante.
Inirerekomenda rin ni Aventajado na maisailalim sa counseling ang batang sangkot kung nais pa nito o kaniyang pamilya na mai-reinstate sa PTA.
Ani Aventajado, layunin nito na magawa ng natu-rang estudyante na akuin ang responsibilidad sa kaniyang ginawa, makapagsisi at sa hinaharap ay magawa pang makapag-ambag ng positibo sa bansa.
Kung tatanggihan naman ito ng kaniyang pamilya, wala nang magagawa pa ang PTA kundi ang patalsikin sa asosasyon ang bata.
Magugunitang una nang pinatalsik ng Ateneo ang naturang bully matapos ang insiyal na mga isina-gawang imbestigasyon.
- Latest