^

Metro

Zero crime sa 9 araw na Simbang Gabi –NCRPO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Zero crime sa 9 araw na Simbang Gabi �NCRPO
han. Ito ang nabatid kahapon mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar sa report nito kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Zero crime o wala ni isa mang krimen na naiulat sa loob ng siyam na araw na tradisyunal na Simbang Gabi sa Metro Manila kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ito ang nabatid kahapon mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar sa report nito kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde.

Una nang isinailalim ni   Eleazar sa full alert status ang Metro Manila at inatasan ang limang District Directors na paigtingin ang seguridad sa bisinidad  ng mga simbahan at iba pang matataong lugar upang bigyang proteksyon ang mga mamamayan.

Ang full alert status ay kaugnay ng “Ligtas Paskuhan 2018 “ ng PNP hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan partiku-lar na sa mga kalunsuran.

Ang NCRPO ay nagdeploy ng kabuuang 7,823 pulis sa mga simbahan, pook pasyalan, terminal ng mga pampublikong transportas­yon, bisinidad ng mga malls at iba pang matataong lugar.

Kaugnay nito, wala munang bakasyon ang mga pulis sa Metro Manila kung saan mahigpit ring tututukan ang pagsalubong sa Bagong Taon partikular na ang mga ipinagbabawal na paputok, indiscriminate firing at iba pang karahasan upang maiwasang makabiktima ng mga inosenteng sibilyan.

Inihayag pa ng opisyal na magdedeploy sila ng  karagdagang mga pulis sa mga lugar na madalas pangyarihan ng indiscriminate firing upang arestuhin ang mga magtatangkang magpaputok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Samantalang hinikayat rin ni Eleazar ang publiko na manatiling vigilante at mapagmatyag na agad na ireport sa pulisya ang mga kahina-hinalang indibidwal o mga inabandonang bagahe na posibleng pampasabog upang maging ligtas ang lahat.

vuukle comment

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with