^

Metro

PNP pinabubusisi lahat ng anggulo sa pagkamatay ng security aide ni Chong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP pinabubusisi lahat ng anggulo sa pagkamatay ng security aide ni Chong
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na sinabing lahat ng anggulo sa pagkakapatay ng mga pulis sa shootout kay Richard Santillan ay masusi nilang iniimbestigahan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nais din ng Philippine National Police (PNP) na mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng security aide ni dating Biliran Rep. at ngayo’y senatorial candidate Glenn Chong sa shootout sa mga elemento ng pulisya sa Cainta, Rizal noong nakalipas na Disyembre 10.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde  na sinabing lahat ng anggulo sa pagkakapatay ng mga pulis sa shootout kay Richard Santillan ay masusi nilang iniimbestigahan.

Magugunitang ibinulgar ni Chong na tinorture muna ang kaniyang aide na si Santillan bago ito pinagbabaril.

 Sa isang radio interview, sinabi ni Chong na nakitaan sa autopsy report na isinagawa ng Public Attorney’s Office ng mga palantandaan ng torture ang bangkay ni Santillan.

Nabatid na matapos ang 8 oras na forensic examination ng PAO sa bangkay ni Santillan, sinabi ni Chong na 63 sugat ang tinamo ng kaniyang kliyente na tatlong oras nang patay bago ang sinasabing shootout sa mga operatiba ng pulisya.

Si Santillan at ang babaeng kasama nito ay napatay sa operasyon ng pulisya sa Cainta , Rizal noong Disyembre 10 laban sa umano’y mga “Highway Boys: o grupong kriminal na sangkot sa robbery, illegal drugs at murder.

Ayon sa mga operatiba, nagpaputok umano ng baril si Santillan na tumangging sumailalim sa checkpoint ng pulisya matapos parahin ang behikulo nito na hindi rehistrado.

 Binigyang diin ni Albayalde na noong una pa man ay agad nang pinaimbestigahan kung “overkill” ang ginawa ng mga pulis sa pagkakapatay kay Santillan dahil sa mahigit 30 tama ng bala sa sasakyan ng biktima.

 Samantalang agad din nitong sinibak ang Provincial Director ng Rizal Police na si Sr. Supt. Lou Evangelista, Cainta Police Chief P/Supt, Pablito Naganag at 16 na iba pa.

 Hinggil naman sa paglutang ng bagong impormasyon na umano’y tinorture muna si Santillan bago ito pinagbabaril, sinabi ni Albayalde na mas lalong dapat managot ang mga sangkot na pulis kung mapatunayang may kinalaman sila dito.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with