^

Metro

PNP umalerto sa Simbang Gabi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP umalerto sa Simbang Gabi
Sinabi ni Albayalde na inaasahan niyang magpapa-tupad ng pag-iinspeksyon ang mga field commanders sa mga bisinidad ng simbahan partikular na sa Metro Manila at iba’t ibang mga lungsod sa pagdagsa ng mga debotong Katoliko.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inalerto na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang kapulisan sa buong bansa na paigtingin pa ang police visibility at pagsasagawa ng preventive patrol ope­rations upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga church-goers sa pag­sisimula ngayong araw (Dis­yembre 16) ng tradisyunal na Simbang Gabi.

Sinabi ni Albayalde na inaasahan niyang magpapa-tupad ng pag-iinspeksyon ang mga field commanders sa mga bisinidad ng simbahan partikular na sa Metro Manila at iba’t ibang mga lungsod sa pagdagsa ng mga debotong Katoliko.

Ipinatitiyak rin ng PNP Chief ang maigting na implementasyon ng mga beat patrol at mobile patrol ope­rations sa palibot ng mga simbahan.

Inatasan din ni Albayalde ang mga field commanders  na magdeploy ng mga mobile patrol units na naka-on ang mga blinkers para ipakita ang presensya ng mga awtoridad pero dapat ay hindi lilikha ng pagkaalarma ng publiko.

 Nagtalaga rin ang PNP Chief ng mga piling mi-yembro ng PNP Command Group at Directorial Staff para magsilbing area supervisors na magsasagawa ng random inspection para tiyakin na ginagampanan ng mga PNP units ang kanilang mga trabaho.  

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with