^

Metro

Erap suportado si Sec. Diokno

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni Manila Mayor Joseph Estrada si Budget Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng panawagan ng mga kong­resista na sibakin ito sa pwesto.

Ayon kay Estrada, si Diokno na naging Budget chief niya rin noong Pangulo pa siya, ay may mataas na uri ng pagkatao at integridad kaya kinuha itong magsilbi sa gobyerno.

Nauna nang pinabulaanan ni Diokno na may kinalaman siya sa mga kontratang nakuha ng CT Leoncio Cons­truction and Tradings na na­kabase sa Bulacan at uma­no’y may mga proyekto sa Sorsogon.

Sinuportahan din ni Estrada ang desisyon ni Pangulong Rody Duterte na panatilihin sa posisyon si Secretrary Diokno dahil wala naman umanong basehan ang mga bintang dito.

Tahasang ding hinikayat ng dating alkalde ang mga mamamayan na huwag paniwalaan ang mga alegasyon kay Diokno at magpatuloy na magtiwala dito.

“Tatlong Pangulo na ng bansa ang pinagsilbihan ni Diokno. Kaya siya pinagka­katiwalaan dahil hindi lamang ito tapat at mabuting tao, magaling pa ito sa kanyang trabaho,” dagdag pa ni Estrada.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with