^

Metro

NAIA umalerto sa pagdagsa ng pasahero

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
NAIA umalerto sa pagdagsa ng pasahero
Ayon kay MIAA ge-neral manager Ed Monreal ang pagtaas ng vo-lume ng mga pasahero ay inaasahan ngayong Disyembre hanggang buwan ng Enero kung kaya umapela sila sa mga pasahero na makipagtulungan sa airport safety at security procedure upang maiwasan ang anumang abala sa kanilang mga biyahe.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Inaasahang sa susu­nod na linggo ay dadagsa na ang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Kapaskuhan para magbakasyon sa bansa kaya’t dobleng paghihigpit sa seguridad ang ipatutupad ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon kay MIAA ge-neral manager Ed Monreal ang pagtaas ng vo-lume ng mga pasahero ay inaasahan ngayong Disyembre hanggang buwan ng Enero kung kaya umapela sila sa mga pasahero na  makipagtulungan sa airport safety at security procedure upang maiwasan ang anumang abala sa kanilang mga biyahe.

Mariing pinaalalahanan ng MIAA at ng Office of Transportation and  Security (OTS) ang mga lokal at dayuhang pasahero, na ilagay sa tray ang mga metal na bagay at electronics devices maging ang kanilang mga sapatos pagpasok sa x-ray scanning sa mga final security checkpoint.

Hiniling din nila sa mga pasahero na huwag silang maglagay ng mga liquid or perfume na higit sa 100 ml., na maaaring kumpiskahin o kaya naman ay itapon sa mga trash can kapag nakita sa x-ray machine para umano sa kanilang seguridad.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with