^

Metro

MMDA traffic enforcer, kalaboso sa ‘kotong’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MMDA traffic enforcer, kalaboso sa �kotong�
Kinilala ni Sr. Supt. Rizalito Gapas, acting chief of police ng Pasig City ang nasakoteng suspect na si MMDA constable 2 Diosdado dela Cruz, 33, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable matapos itong ireklamo ng ‘kotong’ ng isang truck driver sa Pasig City, kamakala­wa ng hapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Rizalito Gapas, acting chief of police ng Pasig City ang nasakoteng suspect na si MMDA constable 2 Diosdado dela Cruz, 33, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Pasado alas-3 ng hapon nang dakpin si Dela Cruz sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Dela Paz sa lungsod ng Pasig makaraang ireklamo ng truck driver na si Francis Leo Lucero, 30.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay kasalukuyang nagmamaneho ng  truck nang harangin ng suspek  na hiningan ng dokumento at sinabing kolorum  ang behikulo.

Ang suspect ay humihingi ng  P20,000 na naibaba sa P18,000 kapalit ng hindi pag-impound ng nasa­bing truck.

Matapos maibigay ang pera sa suspect ay nakita naman ng truck driver ang isang pulis na miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na kasalukuyang bumabagtas sa Marcos highway kaya humingi siya ng tulong.

Naaresto naman ang suspect at nabawi mula rito ang P9,000 pero nakatakas ang lima pa nitong kasamahang constable.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit ang suspect sa Pasig City Police detention cell na nahaharap sa kasong robbery/extortion.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with