^

Metro

56 palaboy, sinagip sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
56 palaboy, sinagip sa Maynila
Nalaman na itinurn -over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 40 batang Badjao at Aetas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasagip ng Manila Police District ang may 56 palaboy na karami­han ay miyembro ng indigenous peoples na naglipana sa kalsada at namamalimos.

Ayon kay Action Officer P/Sr. Insp. Ana Laurence Simbajon, sa 56 na si­nagip, 55 ang menor- de-edad sa isinagawang operasyon mula Disyembre 12.

Nalaman na itinurn -over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)  ang 40 batang Badjao at Aetas.

Habang ang walo ay itinurnover sa kanilang Barangay at ang walo ay sinundo ng kanilang mga magulang.

Ang pagsagip sa mga palaboy ay iniutos ng pamunuan ng PNP dahil sa pagkalat at panghihi­ngi ng limos sa kalsada bitbit ang mga sanggol na lubha umanong mapanganib.

Ginamit ng PNP, ang Presidential Decree 1563 o  ang Mendicancy Law of 1978 sa pagsagip sa mga indigenous people. Tutulungan umano ng DSWD ang mga Badjao at Aetas hanggang maibalik sila sa kanilang mga lalawigan.

vuukle comment

INDIGENOUS PEOPLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with