^

Metro

Nahatak na sasakyan na ‘di pa kinukuha, ipapa-auction ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan nang ipa-auction ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga behikulong nasa 10 hanggang 20-taon nang naka-impound sa kanilang impounding area na hindi na kinukuha ng may-ari.

Sabi ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, pansamantalang sususpendihin ang pag-impound ng mga  behikulong hinahatak.

Ito ay upang paluwagin muna ang kanilang impounding area kung saan umaapaw na ang mga sasakyan dahil marami ang hindi pa rin kinukuha ng mga may-ari.

Idinagdag pa nito na tumitingin na rin sila ng area sa bandang South para gawing impounding area.

Ngunit nilinaw nito, na hahatakin pa rin nila at i-impound ang mga behikulong luma na, mga driver na arogante,  walang lisensiya, OR/CR at mga sangkot sa aksidente.

“We will still impound vehicles, but these are limited only to extreme cases,” ani Pialago.

Nabatid na nasa 580 behikulo at 500 motorsiklo ang naka-impound sa Tumana, Marikina City.

Para makabawas kaya itinakda na  itong ipa-auction ng MMDA.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with