^

Metro

Habambuhay sa Sayyaf sa Samal attack

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Habambuhay sa Sayyaf sa Samal attack
Hinatulan si Hassim ng 40-taong pagkakulong matapos nitong patayin ang guwardya ng Pearl Farm na si Jimmy Culam.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Taguig City Regional Trial Court ng reclusion perpetua o 40 taong kulong ang  isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG)  matapos patayin  ang 2 kawani ng Pearl Farm Beach Resort sa Samal Island sa Davao del Norte noong 2001.

Sa 14 pahinang  decision ni Judge Marivic Vitor, ng  Taguig City RTC Branch 266, ang hinatulan ay si Hasim Alibasa Radjuli dahil sa kasong murder at homicide.

Hinatulan si Hassim ng 40-taong pagkakulong matapos nitong patayin ang guwardya ng Pearl Farm na si Jimmy Culam.

Reclusion temporal o 14-taong pagkakulong naman nang patayin rin nito si Rolando Jara, kawani ng naturang beach resort.

Pinagbabayad din ng hukuman si Hasim ng halagang P250,00 bilang danyos sa pamilya ni Culam at P135,000 naman para kay Jara.

Base sa rekord, napatay ang mga biktima nang makipaglaban ito sa 22 Abu Sayyaf kasama ang akusado nang tangkaing kidnapin ng mga ito ang isang dayuhang turista  noong May 22, 2001.

Samantalang nadakip ang nasabing akusado noong Disyembre 2006 matapos itong ituro ng kapwa nito ASG na si Julashrey Abtani.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with