^

Metro

Ginang patay dahil sa P800 pautang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang isang ginang dahil sa tinamong sugat sa dibdib nang saksaking ng kaniyang sinisingil sa pautang na P800,sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Roselyn Dimagiba, alyas Len-Len, tinatayang nasa 40-45 anyos.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Nilo P.  Zabala, 33, residente ng Pacheco St., Tondo.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-6:20 ng gabi kamakalawa nang makitang nagtatalo sa C.P. Garcia St., sa Tondo  ang biktima at suspek dahil sa utang na P800 ng huli. Imbes na magbayad ay saksak pa ang ginanti ni Zabala sa nagpautang sa kanya.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang salarin na target ngayon ng pagtugis ng pulisya.

Isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan pero hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with