^

Metro

2 ‘tulak’ dedo sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� dedo sa shootout
Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga anti-drug operatives ng Northern Police District at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa dalawang suspek nang makahalata sila na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

MANILA, Philippines — Bulagta ang dalawang hinihinalang notoryus na ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga umaarestong mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang mga napaslang na sina Reggie De Guzman, 31, and isang alyas Jayson Paguia, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, ala-1:40 ng hapon nang maganap ang engkuwentro sa may Lot 15 Block 38 Sabalo Street, Brgy. 12, Caloocan.

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga anti-drug operatives ng Northern Police District at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa dalawang suspek nang makahalata sila na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

Nagbunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis na nagawa namang agad na makaiwas dahil sa alerto na sa galaw ng dalawa.  Gumanti ang mga pulis ng putok na nagresulta sa pagkakapaslang ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nagsasagawa pa ng imbentaryo sa mga ebidensyang nakumpiska habang isinusulat ito.

vuukle comment

CRIME

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with