^

Metro

Bebot na ginagamit ang pangalan ng PNP General sa panloloko, arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Bebot na ginagamit ang pangalan ng PNP General sa panloloko, arestado
Kinilala ni NCRPO director Guillermo Eleazar ang suspect na si Dianne Mae Navarez, 29, ng Alejandro St., Brgy. Vitalez, Parañaque City.

MANILA, Philippines — Inaresto ng operatiba ng Regional Special Operating Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang babae dahil sa panloloko na ang modus sa kanyang naging biktima ay tutulungan niyang maibalik sa police service gamit ang pangalan ng isang heneral sa isang entrapment operation kamakalawa sa Parañaque City.

Kinilala ni NCRPO director Guillermo Eleazar  ang suspect na si Dianne Mae Navarez, 29, ng  Alejandro St., Brgy. Vitalez, Parañaque City.

Ayon kay Eleazar, ala-1:30 ng hapon nang madakip ang suspect matapos ikasa ang entrapment operation sa nabanggit na lugar.

Ang pagkakadakip sa suspect ay bunsod sa rekla­mo ng naging biktima nito na si Emmanuel Carlos Bu­gayon.

Kuwento ni Bugayon, ang suspect na si Navarez ay ipinakilala sa kanya ng pinsan ng kanyang misis na si Wilvin Panahon Beley noong 2017 hanggang sa naging magkaibigan sila sa Facebook.

Kabilang sa modus ng suspect na gamitin   ang pangalan ng isang  heneral sa Philippine National Police (PNP) at sinasabing tutulungan aniya niyang makabalik ito sa serbisyo  sabay na nanghihingi ng pera.

Nabatid sa biktima na nasa P80,000  ang natangay sa kanya ng suspect dahilan upang magharap ito  ng reklamo sa NCRPO at sa pamamagitan ng entrapment operation nadakip ito ng mga pulis.

Ang suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293, RPC, (Robbery/Extortion) at Article 315 (Swindling/Estafa).

vuukle comment

GIRL ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with