^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang lalaki ha­bang sugatan ang isang dalagita na pinaniniwala-ang nadamay lang sa naga­nap na pamamaril sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada-ling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Dominic Ma­quirang, 38, residente ng Gate 8, Parola Compound Tondo, dahil sa ti­na­mong tama ng bala sa leeg.

Ginagamot naman sa Tondo Medical Center si Ricalyn Luto, 17, dahil sa tinamong tama ng bala sa braso at bahagi ng dibdib.

Itinurong gunman ang isang alyas  Benjie , residente ng Building 20 Temporary Housing, Aroma Compound , Tondo na tinutugis na ng mga awtoridad.

Sa ulat ni PO3 Joel Ascano ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng madaling araw, nang maganap ang insidente sa Aroma Compound, Tondo.

Nakikipag-inuman umano ang sugatang dalagita sa isang Dorothy Ventura nang   dumating ang nasawing si Maquirang at iniaalok ang dalang relos.

Sa gitna ng pag-uusap ay doon na  umalingawngaw ang putok ng baril kung saan  duguang humandusay si Maquirang  sa kalye habang nakitang duguan din ang dalagita na tinamaan ng ligaw na bala. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with