^

Metro

Mga estudyante umaktong konsehal sa session ng City Council sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hamon ang maging konsehal.

Ito ang binigyan diin ng mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila makaraang pansamantala silang nagsilbing mga konsehal sa ginanap na sesyon sa City Council kahapon ng umaga sa session hall ng Manila City Hall.

Ayon kay Majority Floor Leader 2nd District Councilor Rolan Valeriano, taun-taon umanong ipinagdiriwang ang “Linggo ng Kabataang Maynila 2018” kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga napiling estudyante ng lungsod na makatrabaho at maranasan nila ang maging alkalde, bise alkalde, konsehal at department heads sa Manila City Hall.

Nagmula ang mga estudyante  sa may 50 public schools na pinapatakbo ng   lungsod ng Maynila.

Ilan sa kanila ay matataas ang grado at kandidato umano sa pagiging Valedictorian at Salutatorian sa kani-kanilang pinapasukang eskwelahan.

vuukle comment

MANILA CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with