^

Metro

Misis inutas ni mister

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinaksak at napatay ang isang misis ng kanyang mister matapos ang mainitang pagtatalo,  kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Romelyn Alaro, 29, ng GK Sison Compound, Magdaong Drive, NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng natu­rang siyudad.

Hinahanting naman ng pulisya ang suspect na mister na si  Richard Alaro, 31.

Ayon sa inisyal na report na natanggap ni Supt. Marites Salvadora, deputy chief of police ng Muntinlupa City, alas-3:30 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang duguang biktima na wala ng buhay sa bahay nito sa  GK Sison Compound, Magdaong Drive, NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng natu­rang siyudad.

Bago ang karumal-dumal na pagpatay, ayon sa ina ng suspect na si Julieta Alaro, alas-11:00 kamakalawa ng gabi nagkaroon ng mainitang argumento ang mag-asawang  Romelyn at  Richard at pagsapit ng ala-1:00 kahapon ng madaling araw ay lumabas ng kanilang bahay ang suspect.

Pagkaraan ng dalawang oras ay dito na natagpuan ang duguang bangkay ng biktima at ang suspect na mister nito ay hindi na bumalik sa bahay, na hinihinalang tumakas na.

Ayon kay Salvadora, iniimbestigahan pa nila ang dahilan kung bakit pinatay ng suspect ang kanyang misis, dahil hindi pa nagsasalita ang mga kaanak nito.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with