^

Metro

Bebot tinaniman ng bala sa ulo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang taniman ng bala sa ulo ng isang rider, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Sarah Talipasan, 38, ng  Brgy.  Upper Bicutan ng naturang siyudad.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na kinilala lamang sa pangalang alyas Karim.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-7:40 kamakalawa ng gabi nang  maganap  ang pamamaril sa Purok 6, Kapalaran, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

May binibili lamang sa naturang lugar ang biktima  nang biglang sumulpot ang armadong suspect at binaril ito sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang motorsiklo sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy na inaalam ng Taguig City Police ang motibo sa naganap na pamamaril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with