^

Metro

P3.4- M shabu nasamsam ng PDEA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kalahating kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng  P3.4 million ang nakumpiska mula sa naarestong ‘tulak’ sa isina­gawang buy-bust operation na ikinasa ng Region 4, CALARBARZON,-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang natimbog na  suspect na si Madato Ruisan.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng PDEA hinggil sa pagbebenta ng droga ng suspect, dahilan upang magkasa sila ng buy-bust operation.

Nakipagtransaksyon ang ahente ng PDEA kung saan ang transaksyon ay isinagawa sa parking sa may Pasay.

Nang magpositibo ay dito na dinakip ng mga ahente ng PDEA ang suspect at nakum­piska dito ang nasa kalahating  kilo ng shabu.

Sa ngayon ay sinasailalim na sa  imbestigasyon ng mga awtoridad ang nabanggit na suspect.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with