‘Pamaskong handog’ sa Makati maagang ibibigay
MANILA, Philippines — Maagang ibibigay ng pamahalaang lungsod ng Makati ang nasa mahigit 300,000 ‘Pamaskong Handog’.
Ito ang inanunsyo kahapon ni Makati City Mayor Abby Binay, na nagsabing simula sa Lunes (Disyembre 3) ay ipapamahagi na ang ‘Pamaskong Handog’ para sa mga residente ng lungsod.
Nasa 95,000 bags ang naka-iskedyul na ipapamahagi sa mga paaralan, naglalaman ito ng noche buena package, mga t-shirt, delata at biscuits.
Samantala, nasa 227,000 ‘Pamaskong Handog’ naman ang naka-iskedyul na ipapamahagi sa mga residente.
- Latest