^

Metro

Illegal terminal sa Baclaran, binuwag ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Illegal terminal sa Baclaran, binuwag ng MMDA
Bukod sa pagka-stranded, nagkaroon din ng kalituhan ang ilang mga pasahero na bumababa sa bagong bukas na Parañaque Integrated Terminal Express (PITX) at nagkaroon din ng shortage sa mga pampasaherong sasakyan.

Daan-daang mananakay na-stranded

MANILA, Philippines — Daan-daang mananakay ang na-stranded bunsod ng isinagawang ope­rasyon kahapon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) para buwagin ang mga illegal terminal sa Baclaran area sa Parañaque City.

Bukod sa pagka-stranded, nagkaroon din ng kalituhan ang ilang mga pasahero na bumababa sa bagong bukas na Parañaque Integrated Terminal Express (PITX) at nagkaroon din ng shortage sa mga pampasaherong sasakyan.

Napag-alaman na hindi pa nakakalipat ang iba pang pampublikong behikulo sa PITX dahil sa inaayawan ng ilang mga tsuper ang maikling oras na inilaan sa kanila para pumila at magsakay ng pasahero.

Kung kaya’t marami pa ring pampublikong behikulo ang nag-illegal terminal sa area ng Baclaran, dahilan upang magsagawa ng ope­rasyon dito ang MMDA at DOTr.

Ayon sa ilang MMDA traffic enforcer na nagmamando ng trapik sa Coastal area, wala pa silang hawak na mandato mula sa kanilang pamunuan na nag-uutos na hulihin ang mga bus na hindi pumapasok sa PITX kung kaya’t ang ginagawa lamang nila ay itaboy pa lamang ang mga bus ng kumukuha ng pasahero sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

ILLEGAL TERMINAL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with