^

Metro

Ex-Payatas Police Chief, 16 pa kakasuhan sa pagkamatay ng tinedyer sa drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa hot water ngayon ang dating hepe ng Batasan Police at 16 pa nitong tauhan matapos na makitaan ng ‘probable cause’ ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kaso kaugnay ng kontrobersyal na pagkamatay ng isang tinedyer sa buy-bust operation sa Brgy. Payatas, Quezon City  noong  2016.

Si Supt. Lito Patay, ay dating hepe ng Police Station 6 sa Batasan kung saan maraming mga drug pushers ang bumulagta sa buy bust operation ,  ayon sa opisyal ay pawang nanlaban sa kanilang lehitimong operasyon.

 Nabatid na bukod kay Patay pinakakasuhan na ng  PNP-IAS ang 16 nitong mga tauhan  sa pagkamatay ng tinedyer na si Darwin Hamoy, 17.

Inirekomenda ng PNP–IAS ang pagsasampa ng kasong grave misconduct at grave irregularity laban kina  SPO3 Carlo Abella; SPO2s  Marvin Merida, Rhodolf Makie at Ralph Pinero;  SPO1 Ronnie Banggat; PO3’s Dennis Pal, Richard Timon, Edilberto Vargas at Nonilon Laberon: PO2’s Michael Maderable, Amirudin Ibrahim, Alberto Pombo, Andy Adlawan, Charles Molinos, Herbert Angoluan at Wilson Escuro.

Sa report ng PNP–IAS inilarawan ang nasabing mga parak na walang karapatan na  magpatuloy pa sa serbisyo dahilan sangkot ang mga ito sa katiwalian kung saan isinasalang na ang mga kinauukulan sa summary dismissal.

Si Patay ay nalipat na ng destino sa Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa rehiyon.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with