^

Metro

Motorbike vs truck: Delivery boy pisak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Motorbike vs truck: Delivery boy pisak

MANILA, Philippines — Patay ang isang delivery boy ng isang bagong online store makaraang mabundol ang minamaneho nitong mo­torsiklo ng isang dump truck at magulungan ang kanyang ulo kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Alfie Topaz, 29-anyos, binata, online delivery driver ng Shoppee, at nakatira sa Blk. 5 , Lot 6, Phs V Eden Street, Pleasant Hills Subd., San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang tsuper ng Isuzu dumptruck na si Jonie Carpentero, 31, binata, tubong Negros Occidental at nakatira sa San Miguel, Bulacan.

 Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong ala-1:59 ng madaling araw habang minamaneho ng biktima ang Mio type scooter at binabagtas ang kahabaan ng Mindanao Avenue patungong norte nang masagi ng dump truck ni Carpentero pagsapit sa interseksyon at northbound lane ng North Luzon Expressway sa Brgy. Ugong.

Dito tumilapon ang biktima at nagulungan ang kanyang ulo ng unahang gulong ng trak na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi. Isinugod pa sa Valenzuela City Medical Center ang biktima ngunit agad ring naideklara na wala ng buhay.

Nahaharap si Carpentero sa kasong reckless impru­dence resulting in homicide and damage to property.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with