^

Metro

Sasakyang may plakang ‘8’, nasabat sa Pasig

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sasakyang may plakang �8�, nasabat sa Pasig
Ito’y sa gitna na rin ng pinaigting na crackdown ng tanggapan ng PNP-HPG sa mga behikulong may plakang ‘ 8’ at maging ang may mga commemorative plate sa buong bansa partikular na sa Metro Manila.

MANILA, Philippines — Dalawang sasakyan na may protocol plate number ‘8’ ang narekober ng mga operatiba ng PNP – Highway Patrol Group (PNP-HPG)  sa operasyon sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ito’y sa gitna na rin ng pinaigting na crackdown ng tanggapan ng PNP-HPG sa mga behikulong may plakang ‘ 8’  at maging ang may mga commemorative plate sa buong bansa partikular na sa Metro Manila. Sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Roberto Fajardo, bandang alas-12  ng tanghali sa Trinidad Subdivision sa Brgy. Manggahan ng lungsod  na magkalapit lamang ang pinagparadahan ng dalawang sasak­yan sa nasabing lugar.

Ayon kay Fajardo, kabilang dito ay isang kulay itim na Ford van na may plakang ‘8’  at House of Representatives.

Samantalang ang isa pa ay kulay pulang Chevrolet SUV na may plaka ring ‘8 ‘ at may sticker ng Office of the President, gayundin may wang-wang at blinkers.

Inihayag ni Fajardo, hinatak ng kaniyang mga tauhan ang nasabing mga sasakyan matapos na magreklamo ang mga residente sa lugar dahilan parehong nakahambalang sa sidewalk ang dalawang behikulo na may protocol plate.

Muli namang ipinaalala ni Fajardo sa mga motorista na bawal sa mga pribadong behikulo ang gumamit ng wang-wang at blin-kers. Samantalang tiniyak din ng opisyal  na pagmumultahin ang mga may-ari ng dalawang behikulo at babaklasin ang plakang ‘ 8’ , mga nakakabit na wang-wang at  blinkers. Inaalam na rin kung sino ang may-ari ng mga sasakyang nabanggit.

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

PLATE NUMBER 8

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with