^

Metro

PNP pumalag sa ‘Ang Probinsyano’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP pumalag sa �Ang Probinsyano�
Gen. Oscar Albayalde at Aktor na si Coco Martin

Idudulog SA MTRCB

MANILA, Philippines — Ikinadismaya ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang masamang imahe ng kapulisan sa teleseryeng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Ayon kay Albayalde, pla­no nilang lumiham sa producer ng teleseryeng ‘Probinsya­no’ upang ipatigil ang pagpo-portray sa masamang imahe ng mga pulis.

Sinabi ni Albayalde na   nakipagpulong na siya kay Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) Secretary Eduar­­do Año at dito’y kanilang ti­nalakay ang pagpapadala ng liham sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at maging sa producer  ng  teleserye.

“Well unang-una, we   want to probably have an audience and probably kung hindi man nila matigil ‘yun e mabago man lang ‘yung  pagpo-portray sa PNP.

Sa katunayan, ayon pa kay Albayalde na maging ang Office of the President ay naapektuhan dahilan sa masyadong hindi na pangkaraniwan ang mga nangyayari sa nasabing teleserye.

“It gives us a bad impression actually. It’s a bit unfair to PNP when you portray that kind of (masama) activity  that doesn’t really happen in our organization,” paliwanag pa ng Chief PNP.

Samantalang aminado naman si Albayalde na hindi nangyayari sa tunay na buhay na ang Chief PNP ang utak at protektor ng mga organisadong sindikatong kriminal tulad ng drug traffic-king, smuggling at iba pang uri ng illegal na aktibidades.

Inihayag pa ni Albayalde na nakababahala ang nasa­bing teleserye dahilan bagaman malayo ito sa kato­tohanan ay malaki ang impluwensya sa netizens na magiging masama ang pagtingin sa kapulisan. 

vuukle comment

COCO MARTIN

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with