^

Metro

MRT-3 full rehab, target matapos sa 2021

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 full rehab, target matapos sa 2021
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, kumpiyansa silang sa unang bahagi ng 2021 ay magiging tila brand new nang muli at maibabalik sa dati nitong high-grade infrastructure status ang MRT-3, upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa kanilang commuters.

MANILA, Philippines — Sa taong 2021 tinatarget ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang full rehabilitation ng Metro Rail Transit-3 (MRT3).

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, kumpiyansa silang sa unang bahagi ng 2021 ay magiging tila brand new nang muli at maibabalik sa dati nitong high-grade infrastructure status ang MRT-3, upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa kanilang commuters.

Nabatid na sakop ng rehabilitasyon ang pagdaragdag ng train capacity, pagdaragdag ng operating speed ng mga tren nito, o mula 30 kilometer per hour (kph) ay gagawing 60kph, pagbabawas ng train intervals, na mula dating pito hanggang 10-minuto ay gagawin na lamang na tatlo hanggang kalahating minuto.

Plano rin nilang madagdagan ang bilang ng mga bumibiyaheng tren, at gawin itong hanggang 20 train sets, mula sa dating 15 sets lamang.

Magsasagawa rin ng maintenance ng electromechanical components, power supply, mga riles, depot equipment, at io-overhaul ang 72 Light Rail Vehicles (LRVs) ng MRT-3.

Muli namang tiniyak ng DOTr na kahit matapos na ang rehabilitasyon ay hindi magtataas ng singil sa pasahe ang MRT-3 hangga’t walang nararamdamang improvement sa serbisyo ang mga mana­nakay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METRO RAIL TRANSIT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with