^

Metro

2 lalaki arestado sa panghuhuli ng 18 pusa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki arestado sa panghuhuli ng 18 pusa
Nakilala ang mga inaresto na sina Juan Espayos, 48, binata, ng No. 102 Dona Antonio St., Caloocan City at si Arthuro Sanchez, 53, ng No. 435 Doña Rita St., Caloocan City.

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki matapos na mahulihan ng 18 pusa na nakasilid sa mga sako na kanilang iligal na hinuhuli sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga inaresto na sina Juan Espayos, 48, binata, ng No. 102 Dona Antonio St., Caloocan City at si Arthuro Sanchez, 53, ng No. 435 Doña Rita St., Caloocan City.

Sa ulat ng Malabon City Police, alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang arestuhin ang dalawa sa may kanto ng Tanigue at Dalagang Bukid Sts. sa may Brgy. Longos, nang maaktuhan ng mga tauhan ng Police Community Precinct 3 ang panghuhuli ng pusa ng mga suspek.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa lugar nang makita na dinakma ng isang lalaki ang isang pusa at isinilid sa kanyang dalang sako.  Ipinasa ito sa kasamahan na inilagay ang sako sa isang tulak-tulak na kariton.

Dito sinita ng mga pulis ang dalawa at nasorpresa nang madiskubreng nasa 18 pusa pa ang nasa loob ng kanilang kariton.  Nang hanapan ng ligal na dokumento sa mga pusa at permiso sa panghuhuli, walang maipakita ang dalawang lalaki dahilan upang sila’y arestuhin.

Isinasailalim sa imbestigasyon ang dalawang lalaki kung ano ang gagawin sa mga pusa ngunit may hinala na ibinibenta ang mga ito para sa gawaing medikal.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8435 o ang Animal Welfare Act.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with