^

Metro

No.4 most wanted sa Mandaluyong, huli

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
No.4 most wanted sa Mandaluyong, huli
Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si Scott Matthew Mandinguiado, alyas ‘Scott Sta. Maria Mandinguiado’.

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang isang 29-anyos na No.4 most wanted sa Mandaluyong sa kasong murder matapos masakote ng mga pulis sa Sta. Ana, sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si Scott Matthew Mandinguiado, alyas ‘Scott Sta. Maria Mandinguiado’.

Ayon sa ulat, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong murder na inisyu ni Judge Monique Quisimbing-Ignacio ng Mandalu­yong City RTC, dakong alas-9:00 ng gabi nang dakmain ng mga pulis si Mandinguiado habang nagbabasketbol sa Brgy. Mayo 28 sa Punta, Sta. Ana.

Nabatid na nagtago umano ang suspek matapos na maipalabas ang arrest warrant ng hukuman kung saan makaraan ang isang buwan na surveillance na isinagawa ng pulisya sa kinaroroonan ng suspek batay sa tip ng isang police asset ay wala nang inaksayang panahon ang mga otoridad upang agad na maaresto si Mandinguiado.

Kasalukuyan nang humihimas sa bakal na rehas ang naaarestong suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with