^

Metro

150 pamilya nasunugan sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
150 pamilya nasunugan sa Navotas
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isa sa mga bahay sa Oliveros Street sa Brgy. Ta-ngos at mabilis na kumalat sa mga bahay na pawang gawa sa light materials.
Miguel De Guzman/File

MANILA, Philippines — Nasa 150 pamilya ang na­apektuhan makaraang tupukin ng isang malaking sunog ang isang residential area sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isa sa mga bahay sa Oliveros Street sa Brgy. Ta-ngos at mabilis na kumalat sa mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naa-pula ng mga bumbero dakong alas-9:46 ng umaga o higit dalawang oras.

Masuwerteng walang naiulat na nasaktan sa insiden­te nang agad na makalabas ang mga residente sa kani-kanilang bahay at makapagsalba pa ng kanilang mga gamit.

Agad na bumisita sa lugar sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco kasama si Vice Mayor Clint Geronimo at ina­tasan ang lokal na Social Welfare and Development Office na maglabas ng pondo para mabigyan ng kinakaila-ngang tulong ang mga biktima ng sunog.

Nananatili at nagsisiksi­kan sa barangay covered court ang mga pamilyang nawalan ng tahanan na nanawagan rin sa nasyunal na pamahalaan ng kaukulang tulong.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with